Tuesday, December 27, 2011

Totoo pala.

  Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Nakakapanghina lang isipin na ung taong akala mong di ka kayang mawala e kayang ka palang iwanan sa isang iglap lang. Siguro nga, may mga pagkakamali ako.Oo, maraming pagkakamali. Maraming bagay na pinalagpas. Maraming pagkakataong sinayang. Gusto ko mang ibalik, pero mukang wala ng magagawa.

 Cool off. Ayan ung hinihingi nya. Ibibgay ko naman e. Kahit masakit, kahit di ko kaya, para lang sa ikasasaya nya. Mahal ko e. Mag aantay na lang ako. Tanga na kung tanga. Mag aantay ako hanggang mapagod, hanggang maging manhid. Bahala na kung ano mangyare. Bumalik man o hindi. Kasalanan ko naman e. Kasalanan ko lahat.

  Kung bakit ba kasi naging bulag ako sa kung anong meron ako. Bakit ba kasi simpleng mgakahilingan lang diko pa napagbigyan. Kung nagawa ko lang, e di sana kami pa. Sana akin pa siya.

  Totoo nga pala ung sinasabi ng iba, na kapag nawala na, saka mo lang malalamn kung halaga nya.

  Mahalaga ka sakin. Sobra! Mahal kita, sobra sobra! OA man pakinggan pero parang ang laking parte ng nawala sakin ng mawala ka.
 

No comments:

Post a Comment